Wikang Filipino sa Iba't Ibang Larangan
Ang
Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Larangan
Ang
wika ang kasangkapan para sa pag-unlad ng isang bansa. Maging sa pagsulong ng
kultura, edukasyon, agham, sining at huminidades. Kinakailangan ang pagkakaroon
ng isang wika ginagamit upang magkaunawaan ang buong sambayanan. Ayon sa Artikulo
XIV, Seksyon 6 sa Saligang Batas noong 1987, ang wikang Filipino ang siyang
wikang opisyal ng Pilipinas. Ito rin ang Ligua Franka ng bansa. Nakasaad sa
Seksyon 6 na ang Wikang Filipino ay dapat pagyabungin at pagyamanin kesa sa mga
ibang wika ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ang siyang gagamitin sa pagkatuturo
sa sistemang pang-edukasyon.
Ginagamit
ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng Agham Panlipunan o Politika, Humanidades,
Agham at Teknolohiya, Negosyo at Industriya.
Wika
sa Larangan ng Agham Panlipunan o Politika
Ang
wika ang siyang ginagamit na kasangkapan sa pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng
pamahalaan at ng pinamamahalaan o ng mamamayan. Dahil dito, dapat lamang
gamitin ang wikang pang-komunikasyon ng isang bayan upang magkaroon at
magkaunawaan ang lahat. Sa larangan ng Agham Panlipunan ay mayroong dalawang
daloy o proseso ng komunikasyon. Una ay ang paghahatid ng mensahe o pag-aatas
ng naayon sa batas, at panglawa naman ay ang tugon o sagot ng mga mamamayan. Kaya
naman ang wikang Filipino ay dapat lamang gamitin na lenggwahe sa batas at sa
politika. Gayon din sa loob ng hukuman.
Wikang
Filipino sa Larangan ng Humanidades
Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng palagay at saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay. Ang wika ang may pinaka malaking papel na ginagampanan sa bansa. Dahil higit nang malawak ang saklaw nito na maaring nang talakayin ang mga kultura, pagpipinta, musika, estruktura at iba pa. Kaya naman sa tulong ng wika napapalawak natin ang ating sarili upang mas higit na maging maingat at pagiging magalang sa paniniwala ng ibang tao.
Wikang
Filipino sa Larangan ng Agham at Teknolohiya
Sa
patuloy na pag-unlad ng ating bansa sa teknolohiya kasabay nito ang pag-unlad
din ng ating wika. Kaya naman sa kabila ng hamon ng bagong siglos a edukador at
sa tagapagpalaganap ng wikang Filipino. Mas pinagbuting gamitin ang wikang Filipino
sa pagtuturo at pagsulat sa larangan ng Agham, Matematika, at Teknolohiya.
Dahil ayon sa kanila ang paggamit ng wikang Filipino o wikang katutubo sa ibat
ibang larangan ay mas nagdudulot ng mahusay, mabilis at mabisang pag-unawa ng
mga Filipino sa asignatura. Kung gagamitin ang wikang katutubo na siyang mas
alam at naiintindihan ng mga tao, mas malaki ang posibleng pagkapasa ng mga tao
dahil lubos nilang naunawaan ang pagsusulit.
Wikang
Filipino sa Larangan ng Negosyo at Industriya
Dito
sa larangang ito ang daigdig ng cycberworld na kung saan lahat sa paligid natin
ang web site, internet, e-mail, at iba pang kagamitan na makakatulong sa pagkakaroon
ng mas mabilis na daluyan ng komunikasyon. Sa larangan ng Negosyo at Industriya
ginagamit natin ang wikang Ingles kapag tayo ay nakikipag-usap isang banyaga.
At wikang Filipino kapag ang ating kausap na negosyante ay kapwa Filipino.
Comments
Post a Comment