Wikang Filipino sa Iba't Ibang Larangan
Ang Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Larangan Ang wika ang kasangkapan para sa pag-unlad ng isang bansa. Maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, agham, sining at huminidades. Kinakailangan ang pagkakaroon ng isang wika ginagamit upang magkaunawaan ang buong sambayanan. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 sa Saligang Batas noong 1987, ang wikang Filipino ang siyang wikang opisyal ng Pilipinas. Ito rin ang Ligua Franka ng bansa. Nakasaad sa Seksyon 6 na ang Wikang Filipino ay dapat pagyabungin at pagyamanin kesa sa mga ibang wika ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ang siyang gagamitin sa pagkatuturo sa sistemang pang-edukasyon. Ginagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng Agham Panlipunan o Politika, Humanidades, Agham at Teknolohiya, Negosyo at Industriya. Wika sa Larangan ng Agham Panlipunan o Politika Ang wika ang siyang ginagamit na kasangkapan sa pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng pinamamahalaan o ng mamamayan. Dahil dito, dapat lamang gamiti...